Walang taas pasahe sa PUVs sa pagpasok ng 2016 - LTFRB
MANILA, Philippines – Walang magaganap na pagtaas ng singil sa pamasahe sa lahat ng uri ng mga pampasaherong sasakyan nationwide ngayong holiday season hanggang sa pumasok ang susunod na taong 2016.
Ayon kay Atty. Ariel Inton, board member ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB), ang hakbang ay upang huwag nang bigyan ng dagdag na pagkakagastusan ang taumbayan sa panahon ng Kapaskuhan.
“Ito po ay isa na ring gesture ng aming tanggapan na maibsan ang gastusin ng mamamayan lalupa’t panahon ngayon ng Kapaskuhan at pagmamahalan,” dagdag ni Inton.
Inulit din ni Inton na wala namang magaganap na jeepney phase out kayat walang dapat ipag- alala ang mga may-ari nio sa pagpasok ng 2016.
Nakikiusap lang si Inton sa mga passenger vehicle owners na kung maaari ay gawing palagiang road worthy ang kanilang sasakyan bago ipasada para sa kapakanan ng riding public.
- Latest