^

Bansa

Nasirang Yolanda relief goods sinisiyasat na - DSWD

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tiniyak ng pamunuan ng Department o Social Welfare and Development (DSWD) na mananagot ang mga opisyal na res­ponsable sa pagkasira ng mga relief goods na nakalaan sana para sa mga biktima ng super typhoon Yolanda.

Ayon kay DSWD Social Marketing Service director Cezario Joel Espejo na mahaharap sa administrative at criminal charges ang mga opisyal na sangkot dito.

Sinabi ni Espejo na mayroon ng initial findings ang probe team na inutos ni DSWD Secretary Dinky Soliman para imbestigahan ang insidente.

Pahayag ni Espejo na tukoy na kung sino ang may sala kaugnay sa nasabing insidente subalit hindi pa muna pwedeng ilabas sa media.

Sa ngayon kasi, pina-finalize na ang report at sasampahan ng kaukulang kaso ang mga opisyal na sangkot dito.

Mismong si Soliman ang nagkumpirma sa findings ng COA na nasa kabuuang P2.784 million halaga ng family food packs na laan sa mga biktima ni Yolanda ang nasayang lamang at naitapon dahil sa kapabayaan ng ilan.

ACIRC

ANG

AYON

CEZARIO JOEL ESPEJO

ESPEJO

MGA

MISMONG

SECRETARY DINKY SOLIMAN

SOCIAL MARKETING SERVICE

SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

YOLANDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with