PNP nakaalerto hanggang Pasko
MANILA, Philippines – Kahit tapos na ang Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit ay naka-heightened alert hanggang Pasko ang Philippine National Police (PNP).
Binigyang diin ni PNP chief Ricardo Marquez na kahit pa walang ibinabang ‘global terror alert’ ang Estados Unidos ay naka-full alert status na ang puwersa ng pulisya upang tiyakin ang seguridad dahil mahaba ang tradisyunal na pagdiriwang ng mga Pinoy sa pasko at maging sa pagsalubong sa Bagong Taon.
“Even withouth the travel alert from the US government e magpapasko naka-focus talaga sa ganung direction ang PNP,” pahayag ni Marquez.
Sa kabila ng mahigpit na alerto, sinabi ni Marquez na walang namomonitor ang mga intelligence operatives ng PNP na bantang pag-atake ng mga terorista sa bansa.
Inihayag pa nito na patuloy ang kanilang koordinasyon sa AFP kung saan ang tropa ng mga sundalo ang nangunguna sa kampanya kontra terorismo partikular na sa ilang lalawigan sa Western Mindanao kung saan nagsisipagtago at nagsasanay sa mga bandidong Abu Sayyaf at ilang Jemaah Islamiyah (JI) terrorist na namonitor ang presensya sa bansa.
- Latest