DOH: COVID-19 ‘Nimbus’ variant wala pa sa Pinas
MANILA, Philippines — Wala pang naitatalang kaso ng bagong COVID-19 variant na NB.1.8.1 o “Nimbus variant” sa Pilipinas.
Sa isang public briefing, tiniyak naman ni Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa na patuloy na mino-monitor ng kanilang Epidemiology Bureau ang COVID-19 cases, partikular na ngayong panahon ng tag-ulan.
Inaalam din umano nila kung posibleng nakapasok na sa bansa ang Nimbus variant. Sa ngayon aniya, hindi pa nila nade-detect sa bansa ang naturang bagong variant.
Tiniyak din ni Herbosa na ang mga taong nakatanggap na ng bakuna laban sa COVID-19 ay protektado pa rin laban sa Nimbus variant.
Nauna rito, napaulat na nagkakaroon ng pagtaas ng mga naitatalang kaso ng Nimbus variant sa eastern Mediterranean, Southeast Asia at western Pacific regions.
- Latest