Marcos bumiyaheng Japan
MANILA, Philippines — Tumulak kahapon patungong Japan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Hindi katulad ng mga nakagawian, walang pre-departure briefing para sa pag-alis ng Pangulo at hindi ipinagbigay alam sa mga mamahayag bago umalis ng bansa.
Sinabi naman ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro, na itinalaga bilang caretaker ng bansa sina Executive Secretary Lucas Bersamin; Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella at Education Secretary Sonny Angara.
Dadalo ang Pangulo para pasinayaan ang Pavilion ng Pilipinas sa World Expo sa Osaka 2025 dahil ito ay nagtatampok sa mayayamang kultura at magagandang landscape.
Layon aniya nito na mas mapalawig pa ang turismo sa bansa.
Inaasahang babalik dito sa bansa si Pangulong Marcos anumang araw ngayong linggo.
Hindi binanggit ni Castro kung sino ang mga kasama ng Pangulo patungong Japan subalit maliit na delegado lang aniya ang kasama nito.
- Latest