^

Bansa

Sa halip na ambisyon Misyon mangibabaw sa mga kandidato - Tagle

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hinikayat ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga botante na palagiang ipaalala sa mga kakandidato sa 2016 national elections na tutukan ang pagmimisyon at pagli­lingkod sa bayan at hindi ang sariling ambisyon.

Binigyan diin ni Cardinal Tagle na hindi magiging matatag at maunlad ang bansa kung ang magpapatakbo nito ay ambisyon ng mga pinuno ng bayan at hindi misyon.

Nilinaw ni Cardinal Tagle na maging sa simbahan kapag ambis­yon ang nangibabaw at hindi pagmimisyon ay nagiging mahina ang kabuuan ng Simbahang Katolika.

Kasabay nito, ipinaalala rin ng Kardinal na ang bawat mananampalataya ay tinatawag sa pagmimisyon.

Bahagi anya ng pag­mimisyon ngayon ng mananampalataya ay ang palakasin ang kampanya na “Huwag Kang Magnakaw” ng Archdiocese of Manila, Radio Veritas at iba pang church institution at organization.

“We started the campaign, wear t-shirt and put tarpaulins Huwag Kang Magnakaw, salita ng Diyos yun ei, you know what yung mga tarpaulin tinatanggal, tinatanggal sino kayang nagtatanggal nun? Pati yung sign na huwag kang magnanakaw ninanakaw! Bakit ayaw mapakinggan yung huwag kang magnakaw? aha, yun yung gustong magtuloy ng pagnanakaw at ang una niyang ninakaw yung sign,” pahayag ni Cardinal Tagle.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ARCHDIOCESE OF MANILA

BAHAGI

BAKIT

CARDINAL TAGLE

HUWAG KANG

HUWAG KANG MAGNAKAW

MANILA ARCHBISHOP LUIS ANTONIO CARDINAL TAGLE

RADIO VERITAS

SIMBAHANG KATOLIKA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with