Voters registration ‘wag nang i-extend
MANILA, Philippines - Tutol si House Committee on Suffrage Chairman Fredinil Castro sa mga panawagang palawigin pa ang voters registration.
Ayon kay Castro, mahalagang matutunan ng mga botante ang pagkakaroon ng disiplina.
Kaya kung palalawigin pa umano ang voters registration ay magiging kampante na naman ang mga botante.
Bukod dito makakaapekto rin umano sa paghahanda ng Comelec para sa 2016 elections ang pagpapalawig ng voters registration.
Itinakda ng Comelec ang voters registration at validation ng biometrics hanggang Oktubre 31 ng taong kasalukuyan.
Matatandaan na ilang kongresista na ang nanawagan para sa pagpapalawig ng voters registration kabilang na dito sina Kabataan partylist Rep. Terry Ridon, Leyte Rep.Martin Romualdez, Speaker Feliciano Belmonte at Quezon City Rep. Alfred Vargas.
Giit ng mga nasabing kongresista, ang tunay na reporma ay maaabot lamang kung halos lahat ng mga botanteng Pinoy ay mabibigyan ng pagkakataong makapaghalal ng mga bagong lider ng bansa.
- Latest