Marinduque Gov. sinuspinde ng 60 araw sa kasong graft
MANILA, Philippines – Iniutos ng Sandiganbayan ang 60-days preventive suspension laban kay Marinduque Gov. Carmencita Reyes kaugnay sa graft at technical malversation case dahil sa pagkakasangkot nito sa P728 milyong fertilizer fund scam noong 2004.
Sa resolusyon ng 2nd division ng anti-graft court, kinatigan ng korte ang motion ng prosecutors na suspendihin muna si Reyes habang dinidinig ang kaso nito.
Hindi pinakinggan ng anti-graft court ang pagkontra ng kampo ni Reyes na masuspinde ito bagkus ay iniutos ang pagpapatupad ng 60-days preventive suspension dito.
Batay sa impormasyon laban kay Reyes, inakusahan ng Ombudsman prosecutor ang gobernador na nag-divert ng P5 milyong fertilizer funds na para dapat sa magsasaka subalit ipinambili ng ibang kagamitan na walang public bidding.
- Latest