Miriam tatakbo na ring presidente
MANILA, Philippines – Kinumpirma ni Senator Miriam Defensor-Santiago na tatakbo siya sa pagka-pangulo sa 2016 elections
Ayon kay Santiago, maghahain siya ng kanyang certificate of candidacy ngayong linggo.
Ginawa ni Santiago ang pahayag matapos ang isang book signing kahapon sa Makati City.
Bagaman at hindi pinangalanan, sinabi ni Santiago na mayroon na rin siyang running mate.
“He has already announced. We will be running together. I cannot give the answer because his wife might scold him,” ani Santiago.
Ani Santiago, kung maging pangulo siya ng bansa “sometime in the near future” ay gaganda ang estado ng Pilipinas.
Sa naturang book signing event, nakasuot ng mga t-shirt na may nakalagay na #MIRIAM2016 ang ilan sa mga taga-suporta nito.
Nauna ng napaulat na si Sen. Bongbong Marcos ang magiging bise presidente ni Santiago.
Tatakbo umano si Santiago sa ilalim ng kanyang People’s Reform Party, ang partidong itinayo niya noong tumakbo siyang presidente ng bansa noong 1992 at 1998.
Sinabi pa ni Santiago na tatakbo siya dahil nalampasan na niya ang kanyang sakit na cancer at wala na siyang iba pang gagawin.
- Latest