Congresswoman, local execs, sinuspinde ng Sandiganbayan
MANILA, Philippines - Sinuspinde ng Sandiganbayan si Zamboanga del Sur Representative Aurora Enerio-Cerilles gayundin ang iba pang lokal na opisyal dahil sa kasong graft.
Kasama sa mga sinuspinde ng Sandiganbayan sina Mayor Monico Puentevella ng Bacolod City, Mayor Pepito Reyes ng Perez, Quezon at Vice-Mayor Dante Garcia ng Tubao, La Union.
Sinasabing si Cerilles ay kinasuhan sa Sandiganbayan dahil sa maanomalyang pagbili ng umanoy overpriced medical supplies noong 2001 na may halagang P7 milyon.
Ang kaso naman ni Puentevella ay may kinalaman sa maanomalyang paggamit ng kanyang Priority Development Assistance Fund na may halagang P26 milyon para ipambili ng overpriced computer packages para sa mga public schools sa Bacolod City. ANg computer package ay nabili ng P400,000.00 halaga bawat isa.
Si Reyes naman ay nagkakaso nang payagan ang kanyang kapatid na mag- operate ng sabungan habang si Garcia ay nagkakaso ng magkaroon umano ng anomalya sa pagbili ng mga umano’y overpriced fogging chemicals at chlorine nang walang ginawang public bidding.
Siyamnapung araw ang suspension ni Puentevella, Reyes, at Garcia habang si Cerilles ay 60 araw na suspendido sa posisyon.
Bukod dito,inutos din ng Sandiganbayan na masuspinde ng 90 araw sa posisyon si Court Interpreter II Candelaria Mangulabnan ng Municipal Trial Court in Cities, San Fernando, Pampanga na nahaharap sa kasong Direct Bribery.
- Latest