SC nagtalaga ng special courts sa election protests
MANILA, Philippines – Nagtalaga na ang Korte Suprema ng mga special court na hahawak ng mga election protest sa mga munisipalidad kaugnay ng nalalapit na eleksyon sa 2016.
Ito ay sa ilalim ng September 24, 2015 Administrative Order na pirmado nina Chief Justice Maria Lourdes Sereno, Senior Associate Justice Antonio Carpio at Associate Justice Presbitero Velasco.
Sa ilalim ng kautusan, mahigit 100 special court ang itinalaga sa labing tatlong rehiyon sa bansa, kabilang na ang National Capital Region.
Nakapaloob din dito ang Rules of Procedure for Municipal Election Constests, ang mga Regional Trial Court ang may eksklusibo at orihinal na hurisdiksyon sa lahat ng mga election contests na kinasasangkutan ng mga opisyal sa munisipalidad.
Sa kautusan ng Korte Suprema, inaatasan ang mga special court na gawing prayoridad ang election cases sa iba pang mga kaso, maliban sa mga petisyon para sa writ of habeas corpus, amparp at habeas data.
Kinakailangan umanong magpalabas ang Korte Suprema kaugnay ng mga nasabing special courts dahil ilan sa mga munisipalidad ay na-convert na sa pagiging lungsod at mayruon na ring bagong-buong mga RTC.
- Latest