^

Bansa

Tagle sa mga botante: Mag-ingat sa pangako ng mga kakandidato…

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinag-iingat ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga botante sa mga pangako ng mga kakandidato ngayong nalalapit na ang 2016 national election.

Ayon kay Tagle, mas mabuting tiyakin ng mga botante na  ang Diyos ang nangunguna at gabay ng mga kakandidato at magiging lider ng bansa.

Tinitiyak ni Tagle na walang patutunguhan kapag hindi si Hesus at hindi makadiyos ang bawat kandidato o mga magiging pinuno.

Inihayag ng Kardinal na maraming mangangako na sila ang magdadala ng katiwasayan, kayamanan, kapayapaan at katarungan kapag sila na ang naupo sa puwesto.

Sa kasalukuyan, abala ang mga Presidential aspirant, vice-presidentiables at Senatoriables sa pag-iikot at pa­ngangalap ng suporta sa iba’t-ibang bahagi ng bansa kahit sa ika-12 hanggang ika-16 ng Oktubre pa itinakda ng Commission on Elections. (Doris Franche-Borja)

ACIRC

ANG

AYON

DIYOS

DORIS FRANCHE-BORJA

HESUS

INIHAYAG

KARDINAL

MANILA ARCHBISHOP LUIS ANTONIO CARDINAL TAGLE

MGA

TAGLE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with