Pinadaling proseso ng annulment suportado ng law expert
MANILA, Philippines – Bahagi lamang ng reporma ng simbahan ang paghahayag ng Santo Papa ng kanyang suporta sa annulment.
Ito ang binigyan-din ni Fr. Ranhilio Aquino, dean ng San Beda Graduate of Law kung saan sinabi nito na suportado niya ang mas pinadaling proseso ng annulment o pagpapawalang bisa ng kasal.
Nilinaw rin ni Aquino na sa kabila ng pagpapadali ng proseso ng annulment, nananatili pa ring sagrado ang pagpapahalaga sa kasal.
Ipinaliwanag rin ng dekano na ang pagbabago sa proseso ay mangyayari lamang sa hukuman ng Simbahan, at hindi sa hukuman ng estado.
Sa proseso kasi ng annulment, ang mga mag-asawang nagpakasal sa simbahan ay kailangan umanong humarap sa dalawang korte para humingi ng declaration of nullity ng kanilang kasal: sa family courts ng estado, at sa mga hukuman ng Simbahan. Indikasyon lamang ito ng separasyon ng estado at simbahan.
“’Yan ang resulta ng separation of church and state, kasi hindi kinikilala ng estado ang mga desisyon ng hukuman ng simbahan, at ‘di rin kinikilala ng simbahan ang mga desisyon ng hukuman ng estado,” sabi ni Aquino.
Mas pinadali at ginawa pang libre ng Santo Papa ang pagpoproseso ng annulment sa Simbahang Katolika.
Nauna na ring nagpahayag ng suporta ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa desisyon ni Pope Francis.
- Latest