PNP handa sa isasampang kaso ni VP Sara
MANILA, Philippines — Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na handa silang harapin ang anumang kasong isasampa ni Vice President Sara Duterte laban sa kanila.
Ang paniniyak ay ginawa ni PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP CIDG Director Police Brig Gen. Nicolas Torre III sa isinagawang press briefing kahapon sa Kampo Crame.
Ayon kay Torre, karapatan ng bawat indibiduwal na magsampa ng kaso kung alam niyang siya ay nalalabag.
Ani Torre, wala silang sama ng loob kay VP Sara at sa katunayan ay kanila itong ginagalang.
Sinabi ni Torre na maaari naman nilang sagutin sa korte sakaling maisampa na ang kaso laban sa kanila.
Nanindigan si Torre na kanila lamang ginawa ang kanilang tungkulin at wala umano silang kinikilingan.
Nabatid na kasama sa kaso na isasampa umano ni Duterte sa PNP ang disobedience, robbery at kidnapping.
Tugon ito ng Pangalawang Pangulo matapos magsampa ng kaso ang PNP laban sa kaniya at kaniyang mga staff kahapon dahil sa tensyon sa paglilipat ng ospital sa kaniyang chief of staff na si Undersecretary Zuleika Lopez.
- Latest