^

Bansa

Kapatid ni Mary Jane Veloso na inaabuso raw ng amo, makakauwi na ng bansa

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary, Hans Leo J. Cacdac na makakauwi na ng bansa ngayong linggo ang kapatid ni Mary Jane Veloso, na kasaluku­yang nasa Saudi Arabia at nagtatrabaho bilang domestic helper matapos na makaranas nang pang-aabusong sekswal mula sa kanyang amo.

“Originally, it was promised to the family that she would be brought home before Christmas, but the Migrant Workers Office is now working to facilitate her return within this week,” ani Cacdac.

Nauna rito, isinumbong ng kapatid ni Veloso na nakakaranas siya nang pang-aabusong sekswal sa kanyang amo, nang bumisita si Cacdac sa kanyang mga magulang sa kanilang tahanan sa Nueva Ecija.

Sumbong ng biktima, dalawang beses umano siyang niyakap ng amo, mula sa likuran, at pinag­hahawakan.

Nagsumbong umano siya sa asawa nito ngunit hindi umano ito naniwala sa kanya.

Tila pinaghinalaan pa umano siya nito na gusto rin niya ang ginagawa ng asawa nito.

DEPARTMENT OF MIGRANT WORKERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with