PNoy ‘di tatakbong VP ni Mar
MANILA, Philippines – Hindi tatakbong bise-presidente si Pangulong Aquino upang maging runningmate ni DILG Sec. Mar Roxas sa 2016 elections.
Ito ang reaksiyon ni Communications Sec. Sonny Coloma kaugnay sa panukala ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga na tumakbo na lamang bilang runningmate ni Roxas si Aquino upang masiguro ang pagtutuloy ng daang matuwid.
Ayon kay Coloma, siniguro ni Pangulong Aquino na magreretiro na siya sa pulitika sa pagtatapos ng kanyang termino sa June 30.
Aniya, nagsalita na mismo ang Pangulo ng paulit-ulit na hindi ito tatakbo sa anumang posisyon sa pagtatapos ng kanyang termino at sa mga binitiwang pananalita nito ay wala pa siyang ‘binali’.
Iminungkahi ni Rep. Barzaga na si Aquino na lamang ang tumakbong bise-presidente ni Roxas dahil siguradong malakas ang tandem nito.
“A Mar-Noy tandem would be the dream ticket, a ‘dream team’ for the Filipino people -- our bosses. A tandem that will not only win but more importantly, would work for the next six years for the continuity of the daang matuwid ,” wika pa ni Barzaga.
Dagdag pa ni Barzaga, walang nagbabawal na batas upang tumakbo si Aquino bilang bise-presidente dahil ginawa na rin ito nina dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na tumakbong kongresista sa Pampanga at dating Pangulong Erap Estrada na tumakbong alkalde ng Maynila.
- Latest