Trump: Israel at Iran parehong lumabag sa ceasefire

MANILA, Philippines — Inakusahan ni US President Donald Trump ang Israel at Iran na parehong lumabag sa tigil-putukan kahapon, ilang oras lamang matapos magkabisa ang ceasefire.
Sa ulat ng Reuters, nagpahayag ng pagkadismaya si Trump lalo na sa Israel na nag-anunsyo ng mga plano para sa mga bagong pambobomba sa Tehran.
Simabihan ni Trump ang Israel na huwag papakawalan ang mga bomba dahil isa itong malaking paglabag sa ceasefire.
“Israel. Do not drop those bombs. If you do it it is a major violation. Bring your pilots home, now!” sabi ni Trump sa Truth Social.
Ayon pa sa ulat, umalis ng White House si Trump upang dumalo sa NATO summit sa The Hague.
Naiulat din ang pahayag ni Israeli Defence Minister Israel Katz na inutusan niya ang militar na magsagawa ng panibagong pambobomba sa Tehran bilang sagot sa mga pinakawalang missiles ng Iran kahit umiiral na ang ceasefire.
- Latest