^

Bansa

Pangulong Marcos nakiisa sa panawagan ng peace talk, unity sa pagitan ng Israel at Iran

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos nakiisa sa panawagan ng peace talk, unity sa pagitan ng Israel at Iran
Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Bongbong Marcos / Facebook Page

MANILA, Philippines — Maging si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay nakiisa na rin sa panawagan ng iba’t ibang lider sa mundo na idaan sa mapayapang pag-uusap at diplomasya ang tumitinding tensyon sa pagitan ng Iran at Israel.

Sinabi ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na ramdam ng gobyerno ang pag-aalala ng mga bansa sa palitan ng missile attack ng dalawang bansa dahil sa epekto nito hindi lamang sa mga mamayan ng Iran at Israel kundi sa pandaigdigang ekonomiya.

Nais din aniya ni Marcos na manindigan para sa pandaigdigang kapayapaan para maging matatag ang global community.

Inamin naman ni Castro na magkakaroon ng matinding epekto ang nagaganap na gulo sa pagitan ng Israel at Iran kaya umaasa ang Palasyo na magkaroon ng mabilis na kalutasan ang nagaganap na tensyon sa nabanggit na dalawang bansa.

Kahit pa aniya may fuel subsidy ang gobyerno sakaling sumirit ang presyo ng langis sa world market, sinabi ni Castro na kasama rin sa maapektuhan ng giyera ang logistics at trading ng langis.

Dahil dito kaya humiling ng pana­langin si Castro para mabigyan ito ng magandang solusyon para hindi masyadong mabigat ang daranasin ng mga kababayan natin dulot ng tensyon sa pagitan ng Israel at Iran.

PEACE TALK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with