^

Bansa

Taas presyo ng de-lata, bilihin nakaamba

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Taas presyo ng de-lata, bilihin nakaamba
“Ipapasa sa amin ng distributor kung sino man ang nag-deliver sa amin, supplier namin.
Philstar / Irra Lising

MANILA, Philippines — Nagpaabiso na ang grupo ng mga may-ari ng supermarket na ipapasa nila sa consumers ang magiging ­dagdag na g­astos sa paggawa ng mga produkto na kinabibila­ngan ng mga de-lata at iba pa bunsod ng malakihang pagtataas ng ­presyo ng petrolyo ngayong linggo.

“Ipapasa sa amin ng distributor kung sino man ang nag-deliver sa amin, supplier namin. And then we’ll have to pass on to consumers,” pahayag ni Philippine Amalgamated Supermarkets Association president Steven Cua.

Paliwanag ni Cua, maaring itaas ang mga manufactured item ­tulad ng mga de-lata, processed foods, at iba pa dahil magpapalaki ng distribution cost.

Ang mga supermarket owners naman ang magtatalaga kung magkano pa ang ipapatong sa mga kasalukuyang presyo ng mga produkto.

Nakatakdang ipatupad ang big-time price hike sa mga produktong petrolyo ngayong Martes, na epekto ng tensyon sa Middle East sa pandaigdigang merkado.

Nitong Lunes, nakipagpulong ang Department of Energy (DOE) sa mga oil companies hinggil sa magiging solusyon na matulungan ang publiko sa mataas na presyo ng langis.

Nakumbinsi ng DOE ang 12 kumpanya ng ­langis na dumalo sa pulong, na utay-utayin ang pagpapatupad ng mataas na ­presyo at magsusumite sila ng actual price adjustment para sa tranches ng pag-stagger ng taas-presyo.

Bukod pa rito, handa umano ang mga kum­panya ng langis na i-expand ang kanilang mga promotion at discounts para sa public utility vehicles o mga dyip para mapigilan ang impact o pagtaas ng singil ng pamasahe sa publiko.

CONSUMERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with