Smokey Mountain residents, nagprotesta
MANILA, Philippines – Nagsagawa ng kilos-protesta ang mga residente ng Smokey Mountain kasabay nang paghiling kay Pangulong Noynoy Aquino sa pagsibak kay Home Guaranty Corporation president Manuel Sanchez matapos na labagin ang kasunduan hinggil sa Smokey mountain dumpsite na kanilang hanapbuhay.
Ayon kay Nenita Santiago, lider ng mga beneficiaries ng Smokey Mountain Development and Reclamation Project (SMDRP) sa Tondo, Manila nagtataka sila kung bakit nananatili si Sanchez sa HGC samantalang tapos na ang term nito noong pang Hulyo 2015.
Ani Santiago, si Sanchez lamang ang naging pangulong ng HGC na nais na ibenta ang lahat ng pagmamay-ari ng Smokey Mountain properties na kanilang pinagkukunan ng kanilang ikabubuhay.
Bagama’t mayroon silang mga bahay sa 21 Tenement Buildings na proyekto ng dating Pangulong Cory Aquino, posible naman silang mawalan ng pagkukunan ng kanilang pang-araw-araw na hanapbuhay dahil sa plano ng HGC.
Marami aniya ang hindi na makakayang bayaran ang kanilang monthly amortizations sa pamahalaan na maaari pa ring tumaas. Tinatayang aabot sa 6,000 residente ang maaapektuhan ng pagbebenta ng Smokey Mountain properties.
- Latest