Parangal sa SAF 44 gawin na - Recto
MANILA, Philippines - Dapat daw magkaroon na ng desisyon ang pamunuan ng PNP kung paparangalan pa ang mga nasawing miyembro ng Special Action Foce (SAF).
Ayon kay Sen. Ralph Recto, dapat gawin na nila ito at baka mabigyan pa sila ng “Medal of Vacillation o Medalya ng Kabagalan” na hindi naman nararapat sa kanila.
Aniya, masakit ito sa mga pamilya lalo na kung naabisuhan na silang bibigyan ng Posthumous award pero na-postponed pa.
Sa mata ng tao, matagal ng mga bayani ang mga SAF 44, gayundin ang mga kasamahan nilang nakaligtas.
Ang paniniwalang ito ay hindi lang umano nakabatay sa haka-haka, pero base sa transcripts, official reports, photographs, communications, telephone logs na nailabas sa media at Senate hearings.
Wika pa ni Recto, halos lahat ng detalye ng operasyon at kung paano sila nakipaglaban ay nalaman na ng taumbayam, ang kulang na lamang ay ang mabigyan sila ng parangal.
Idinagdag pa nito, pasok din sa mga alituntunin para mabigyang parangal ang SAF 44 lalo pa’t nasawi sila sa larangan ng pakikipaglaban.
- Latest