Langit kinakalampag ng Palasyo sa BBL
MANILA, Philippines – Maging ang langit at lupa ay kinakalampag na umano ng Malakanyang para maipasa ang kontrobersyal na Bangsamoro Basic Law. Sinabi ni Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez na isang desperadong hakbang ang pagbuo ng administrasyong Aquino ng Peace Council na siyang bubusisi sa BBL.
Alam kasi ng Palasyo na wala silang kredibilidad kaya bumuo ito ng bagong grupo na siyang pahaharapin sa publiko. Ang naturang peace council ay magko convene ng National Peace Summit na tutugon sa mga isyung may kinalaman sa BBL.
Ayon pa sa kongresista, mistulang kinakalampag ng Aquino administration ang langit at lupa maipasa lang ang nasabing panukala dahil sa pagkuha kay Tagle at mga kilalang tao.
Dahilan dito kaya dapat na rin umanong magbitiw sa pwesto sina Presidential Adviser on the Peace Process Secretary Teresita Deles at Governement Peace Panel Chief Negotiatior Miriam Coronel Ferrer.
- Latest