WHO: Liberia, Sierra Leone at Guinea malapit ng maging Ebola Virus Free
MANILA, Philippines - Malapit na umanong ideklara ng World Health Organization na Ebola Virus Free ang Liberia, Sierra Leone at Guinea.
Ito ang nabatid mula sa WHO matapos hindi na makapagtala ng bagong kaso ng sakit sa nakalipas na dalawang linggo.
Sabi ng WHO simula umano noong Marso 4 ay sinimulan na ang 42 araw na incubation period, kaya kung matatapos ang incubation period at walang bagong kaso ang susulpot ay maaari nang ideklara na tapos na ang outbreak sa nasabing mga bansa.
Lumilitaw sa datos ng WHO na noong Pebrero 19 ay wala nang bagong kaso ng EVD ang naitala sa Liberia samantala sa Sierra Leone ay pababa na ang bilang ng mga nagkakasakit. Nasa 58 na lamang na bagong kaso ang naitala noong Pebrero na pinakamababa simula noong Hunyo habang sa Guinea ay walang bagong naitalang kaso ng EVD sa nakalipas na 10 araw.
Nabatid na 9 na bansa ang naapektuhan ng EVD at sa kabuuan ay nakapagtala ng 24,282 kaso simula noong Disyembre 2013 at sa nasabing bilang ay 9,976 ang nasawi.
Ang Liberia ang pinakamatinding tinamaan ng EVD kung saan 300 bagong kaso noon ang naitatala kada linggo at umabot sa 4,162 ang nasawi.
- Latest