El Niño pumasok na
MANILA, Philippines – Pumasok na sa bansa ang El Niño phenomenon o panahon ng tagtuyot.
Ayon sa PAGASA, mula huling quarter ng 2014 ay nagpakita na ng inaasahang paglitaw ng El Niño sa bansa dahil sa pag-init ng kundisyon ng mga karagatan.
Gayunman, mahina pa sa ngayon ang El Niño pero unti-unti na itong nakakaapekto sa mga pananim sa mga sakahan na umaasa sa suplay ng tubig ulan at iba pang tubig pangsakahan.
Ang weak El Niño ay makakaapekto sa rainfall pattern sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa mga susunod na buwan at inaasahang ito ay magtagal hanggang Abril hanggat hindi pa pumapasok ang tag-ulan sa Mayo o Hunyo.
Bunga nito, pinayuhan na ng PAGASA ang mga magsasaka ng palay, gulay, mais, at iba pang pananim na umaasa sa tubig ulan at irrigasyon sa mga sakahan na gumawa na agad ng mga remedy measures tulad ng pagtatanim ng mga hindi nangangailangan ng masyadong tubig tulad ng mga rootcrops upang di maapektuhan ang pinagkukunan ng ikinabubuhay.
Pinayuhan din ang publiko na magtipid sa paggamit ng tubig dahil sa inaasahang pagbaba sa water level ng mga dam na source ng patubig sa Metro Manila at karatig lalawigan ngayon panahon ng tagtuyot.
- Latest