^

Bansa

Panawagan ng ex-Marine Col. vs PNoy sinupalpal ng AFP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ibinasura kahapon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang panawagan ng nadismis na Marine Colonel sa mga opisyal ng militar na iatras na ang suporta kay Pa­ngulong Aquino dahil sa mahinang liderato nito sa pagkamatay ng 44 Special Action Force (SAF) sa bakbakan sa Maguindanao noong Ene­ro 25.

Si dating Marine Col. Generoso Mariano, pinuno ng military component ng Solidarity for Sovereignty (S4S), isang multi-sectoral group ay nanawagan sa mga opis­yal ng AFP at PNP na mag-withdraw o kumalas na ng suporta kay PNoy.

Ayon kay AFP spokesman Col. Restituto Padilla, hindi susunod ang mga aktibong opisyal at mi­yembro ng AFP sa pana­wagan ni Mariano.

“The AFP is made up of professionals and dedicated public servants who have sworn by their constitutional duties. The public can rest assured that the AFP will continue to do its duty with the greater interest of the public and our nation in mind,” giit pa ng opisyal.

Sinabi naman ni AFP Pubic Affairs Office chief, Lt. Col. Harold Cabunoc, bagaman isa ng sibilyan si Mariano ay hindi na nito dapat kaladkarin pa ang mga opisyal at miyembro ng militar sa anumang uri ng pag-aaklas laban sa gobyerno.

Inihayag pa ni Cabunoc na minsan na umanong sumalang sa court martial si Mariano noong 2011 dahil sa kawalang galang sa Pangulo noong aktibo pa ito sa serbisyo.

“We remain solid behind our commander in chief. We remain loyal to the Constitution,” pahayag ni Cabunoc sa may 125,000 puwersa ng AFP.

AFP

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

CABUNOC

GENEROSO MARIANO

HAROLD CABUNOC

MARIANO

MARINE COL

MARINE COLONEL

PUBIC AFFAIRS OFFICE

RESTITUTO PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with