Pagdinig sa BBL itutuloy ng Kamara
MANILA, Philippines – Itinakda na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang muling pagdinig sa Bangsamoro Basic Law (BBL).
Ayon kay Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, chairman ng House Adhoc Committee on Bangsamoro, itutuloy na nila ang pagdinig sa BBL sa Marso 3 o 4.
Sa pagtaya ni Rodriguez, mapagbobotohan ang BBL sa committee level bago mag-adjourn ang sesyon sa Marso 18.
Sa kabila nito aminado naman ang kongresista na hindi nila agad isasalang sa botohan ang BBL sa pagbabalik ng hearing dahil tiyak umano na matatalo sila rito.
Kung makalusot naman umano ang BBL sa komite bago ang adjournment ng sesyon sa Marso 18, ay iaakyat na ang kopya nito sa plenaryo sa pag-resume ng sesyon sa Mayo 4.
Inaasahan naman na aabutin ng dalawang linggo ang marathon deliberation sa plenaryo at malamang umano na tuluyan ng maaprubahan ang BBL sa Kamara bago magtapos ang buwan ng Mayo.
Magugunita na nakipagpulong kamakalawa si Pangulong Aquino sa mga kongresista para hilingin na agad ipasa ang BBL.
- Latest