^

Bansa

Anti-Discrimination Bill lusot

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lusot sa House Committee on Women and Gender Equality ang kontrobersyal na panukalang Anti-Discrimination Bill.

Sa botong 10-2, aprubado na ang panukalang nagbabawal sa anumang uri ng diskriminasyon dahil lamang sa sexual orientation at gender identity.

Noong 11th Congress pa naihain ang panukalang batas ni dating Akbayan Partylist Rep. na ngayon ay Commission on Human Rights Chairperson Etta Rosales.

Subalit hindi ito nakakalusot sa mga sumunod na Kongreso, hanggang sa naghain ng mas bagong bersyon si Dinagat Island Rep. Kaka Bag-ao.

Ayon sa lady solon, ang approval sa committee level ng Anti-Discrimation Bill ay tagumpay hindi lamang ng Lesbian, Gay, Bisexual and Transgender O LGBT community, kundi ng buong sambayanang Pilipino.

Poprotektahan aniya ng panukalang batas ang karapatan ng bawat isa “regardless” sa sexual orientation at gender indentity nito.

Muli namang pina­bulaanan ni Bag-ao na ang Anti-Discrimation Bill ay tulay patungo sa isa pang kontrobersyal na panukala, ang “Same Sex Marriage.”

Giit ni Bag-ao, wala itong katotohanan kaya mas mainam daw na basahin munang mabuti ang bill bago ito husgahan o tutulan. (Gemma Garcia)

 

AKBAYAN PARTYLIST REP

ANTI-DISCRIMATION BILL

ANTI-DISCRIMINATION BILL

BISEXUAL AND TRANSGENDER O

DINAGAT ISLAND REP

GEMMA GARCIA

HOUSE COMMITTEE

KAKA BAG

SAME SEX MARRIAGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with