Pinay nurse kumpirmadong may MERS-CoV – DOH
MANILA, Philippines — Isang Pinay nurse galing Saudi Arabia ang kumpirmadong may Middle East respiratory syndrome coronavirus (MERS-CoV), ang unang kaso sa bansa, ayon sa Department of Health.
Inihayag ni DOH Undersecretary Nemesio Gako nad umating sa bansa ang 32-anyos na Filipino worker nitong Pebrero 1 lulan ng Saud Airlines flight 860.
Naka-confine na ang Pinay nurse sa Research Institute for Tropical Medicine sa Muntinlupa City mula kahapon.
Sinabi pa ni Gako na hindi nakakitaan ng sintomas ang hindi pinangalanang pasyente nang dumating ito sa bansa.
Pinaghahahanap na ng DOH ang 225 iba pang pasahero ng naturang flight, ngunit sinabi ni Gako na mababa ang tsansang kulamat ang sakit dahil wala pang sintomas ang Pinay nurse habang sakay ng eroplano.
Naka-confine na rin ang asawa ng unang kumpirmadong kaso ng MERS-CoV sa bansa ngunit hindi pa nakikitaan ng sintomas ng sakit.
- Latest