SAF 44 nakapag-text pa sa pamilya sa gitna ng labanan
MANILA, Philippines – Nais ni Sen. Ralph Recto na padaluhin sa Senado ang pamilya ng 44 miyembro ng Special Action Force (SAF) na minasaker sa Mamapasano, Maguindanao upang magbigay linaw sa mga huling sandali ng kanilang mga pinaslang na kamag-anak habang kausap nila ito sa cellular phones.
Ayon kay Recto, may mga SAF men na nakausap ang kanilang mga mahal sa buhay sa pamamagitan ng text at tawag kung saan ang iba sa kanila ay nanghingi pa ng load.
“The embattled SAF men were talking and texting to their relatives. Yung iba doon humihingi pa ng cellphone load sa kanilang mga kamag-anak,” ani Recto.
Naniniwala si Recto na makakapagbigay linaw ang mga kamag-anak ng SAF 44 dahil sila ang nakausap ng mga biktima sa huling oras ng kanilang buhay.
“Meron pang isang SAF, perhaps sensing the desperateness of the situation, sinamahan ng kanyang nanay sa pag-ro-rosaryo,” ani Recto.
May mga umapela pa umano at nakiusap sa kanilang mga kamag-anak na makiusap sa mga matataas na opisyal para magpadala ng reinforcement.
“There were many who were pleading with their friends, relatives to convey to their higher ups their need to be reinforced and extracted, which unfortunately did not happen,” ani Recto.
Mayroon din aniyang mga kamag-anak na makakapagpatunay na nakakatanggap pa siya ng text dakong alas-2 at alas-3 ng hapon.
“May ibang kamag-anak na nagsasabi na 2 or 3 PM nakakatanggap pa sila ng text, contrary to reports that the firefight ended noon of January 26,” ani Recto.
Naniniwala si Recto na walang halong pulitika ang magiging pahayag ng mga kamag-anak ng SAF 44 kapag humarap sila sa hearing sa Senado.
“We need honest words, unblemished by political bias, that can take place only between the closest of kin,” ani Recto.
Gagawin ang imbestigasyon ng Mamasapano massacre sa Pebrero 9 at 10.
- Latest