145 inspectors kailangan sa LTFRB
MANILA, Philippines - Nangangailangan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng may 145 inspectors ngayong taon.
Ayon kay LTFRB Chairman Winston Ginez, magiging full time at tatanggap ng minimum wage sa contractual basis na naaayon sa lugar o rehiyon kung saan sila maitatalaga.
Ang trabaho ng mga inspector ay upang mag-inspeksyon sa mga terminal at garahe ng mga pampasaherong jeep, taxi, bus at UV Express upang masuri kung updated ang papeles o dokumento ng mga sasakyan.
Sinabi na kailangang nakatapos ng kahit ikalawang taon sa kolehiyo ang mga mag-aaplay, may isang taong karanasan sa pagiging enforcer, drayber o mekaniko at walang limitasyon sa edad sa nasabing posisyon
- Latest