DILG itinangging pinopondohan ang 'pagtakbo' ni Mar sa 2016
MANILA, Philippines - Nilinaw ng Department of Interior and Local Government (DILG) ngayong Huwebes na walang ginagamit na pera ng publiko para sa umano'y pagtakbo ni Secretary Mar Roxas sa 2016.
"No public funds were used for such purposes," pahayag ni Local Government Undersecretary Austere Panadero sa akusasyon ng United Nationalist Alliance.
Sinabi ng UNA, political party ni Bise-Presidete Jejomar Binay, na ginagamit ang pondo ng DILG sa mga patalastas sa telebisyon at radyo sa mga probinsiya upang pabanguhin ang pangalan ni Roxas.
BASAHIN: Mar pinasalamatan si Erap
"As far as the DILG is concerned, no such ads exist in any of the provinces in both Visayas and Mindanao," dagdag ni Panadero.
Inakusahan din ng UNA si Roxas na siya umanong nasa likod ng "Oplan: Stop Nognog 2016," isang paggalaw para siraan ang pagtakbo ni Binay sa nalalapit na presidential elections.
"We don't know where they (UNA) got it. Perhaps they can find the answer to their questions by asking themselves," wika ng undersecretary.
Sa pinakahuling survey ng Pulse Asia, umangat ng 6 na porsiyento si Roxas sa kanyang public approval lalo na sa Visayas at Mindanao.
- Latest