^

Bansa

Palparan nasa custody na ng Army

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dahil sa tumitinding banta sa kaniyang buhay, inilipat na kahapon sa detention cell ng Philippine Army sa Fort Bonifacio, Taguig City ang high profile detainee na si ret. Major Gen. Jovito Palparan.

Ito’y matapos katigan ni Malolos Regional Trial Court (RTC) Branch 14 Judge Teodora Gonzales ang mosyon ng kampo ni Palparan na mailipat ito sa alinman sa detention cell ng Army Custodial Center o sa Intelligence Service of the Armed Forces of the Phil. (ISAFP).

Si Palparan ay nahaharap sa kasong kidnapping at serious illegal detention sa pagkawala ng dalawang UP students na sina Karen Empeno at Sherlyn Cadapan noong Hunyo 2006.

Ayon kay Army Chief Lt. Gen. Hernando Iriberri, tumalima lamang sila sa kautusan ng korte na isailalim sa kustodya si Palparan.

Alas- 2:45 ng hapon ng maihatid ng security escorts si Palparan sa Phl Army kung saan ay idiniretso ito sa Custodial Center.

Una nang ibinulgar ng AFP na delikado ang buhay ni Palparan sa Bulacan Provincial Jail dahilan may limang lider ng NPA na nakapiit rin dito ang posibleng magtangkang itumba ang retiradong opisyal na binansagan ng mga itong “Berdugo” ng kanilang hanay.

Ayon naman kay Army spokesman Lt. Col Noel Detoyato na ang pinagkulungan kay Palparan ay sumusukat ng 2.8 metro by 4.3 metro na may isang kama at isang electric fan habang ang comfort room ay sa labas na ginagamit ng iba pang mga nakapiit dito.

Kalapit ng selda ni Palparan ang pinagkulungan kay Col. Felipe Anotado, dating Battalion Commander ng Army’s 24th Infantry Battalion na nakabase sa Balanga City, Bataan.

Si Anotado ay kabilang sa mga opisyal na naakusahan sa misteryosong pagkawala ng dalawang nabanggit na UP students.

Magugunita na si Palparan ay nadakip sa  isang lumang bahay sa Teresa St. sa Sta Mesa, Maynila noong Agosto 12 matapos ang 3 taong pagtatago sa batas. 

ARMY CHIEF LT

ARMY CUSTODIAL CENTER

AYON

BALANGA CITY

BATTALION COMMANDER

BULACAN PROVINCIAL JAIL

COL NOEL DETOYATO

CUSTODIAL CENTER

FELIPE ANOTADO

PALPARAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with