^

Bansa

MM binaha sa thunderstorms

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dumanas ng mga pagbaha ang ilang bahagi ng Metro Manila at mga karatig lugar dulot ng malakas na pagbuhos ng ulan na epekto ng ‘thunderstorm’ nitong Martes ng hapon.

Sa ulat ng Office of Civil Defense-National Capital Region, ang mga pagbaha ay nagdulot din ng pagkakabuhul-buhol o malalang daloy ng trapiko sa mga apektadong lugar.

Sa bulletin at twitter account ng PAGASA, ang thunderstorm ay may dalang makapal na ulap na nakakaapekto sa Metro Manila, ilang bahagi ng lalawigan ng Rizal, Quezon at Zambales.

Pasado alas-3 ng hapon ng bumuhos ang malakas na pag-ulan sa nabanggit na mga lugar.

Kabilang sa mga binaha ang Quezon City sa kahabaan ng Quezon Avenue at Biak na Bato na umabot sa hanggang baywang ang baha; Edsa-Aurora, G. Araneta Ave­nue, hanggang gulong ang baha; E. Rodriguez Ave. na malalim din ang pagbaha; hanggang kalahati naman ng gulong ang naging baha sa Betty Go Belmonte Street.

Naitala rin ang mga pagbaha sa Maynila, Makati, Pasay, Mandaluyong City at maging sa Rizal.

Nakansela naman ang pasok ng mga estudyante sa University of Sto. Tomas dakong alas-4 ng hapon dahilan sa pagbaha sa kahabaan ng España Ave. sa Sampaloc, Maynila.  

ARANETA AVE

BETTY GO BELMONTE STREET

MANDALUYONG CITY

MAYNILA

METRO MANILA

OFFICE OF CIVIL DEFENSE-NATIONAL CAPITAL REGION

QUEZON AVENUE

QUEZON CITY

RIZAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with