^

Bansa

NFA rice ibinebenta bilang commercial rice, 10 NFA officials binubusisi

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Iniimbestigahan ang 10 opisyal ng National Food Authority na nasa likod umano ng bentahan ng NFA rice bilang commercial rice. Bagamat hindi pinangalanan, partikular na sinisiyasat ang mga NFA sa Bulacan, Pampanga at National Capital Region (NCR).

Sinasabing ang diversion ng bigas at ang pagtatago ng bigas ng mga tiwaling negosyante ang ilan sa mga dahilan ng pagtaas ng presyo nito sa mga pamilihan.

Kasama sa imbestigasyon ng ahensiya at ng NBI at PNP-CIDG ang mga may-ari at nangangasiwa ng mga bodega na nagtago ng mga bigas laluna sa Visayas at Mindanao.

Una rito, sinampahan na ng kaso ang 17 empleyado ng Jomarro Star Rice Mill na may bodega sa Marilao, Bulacan na nag-repack ng NFA rice at naibebenta bilang commercial rice gayundin ang Purefeeds Corp. sa Malolos, na naghahalo ng animal feeds sa bigas upang maibenta bilang Sinandomeng rice.

May kaso na rin anyang naisampa sa may-ari ng bodega sa Valenzuela City na ang lisensyang gamit bilang retailer at warehouse ay nakabase sa Bulacan.

 

BAGAMAT

BULACAN

INIIMBESTIGAHAN

JOMARRO STAR RICE MILL

KASAMA

NATIONAL CAPITAL REGION

NATIONAL FOOD AUTHORITY

PUREFEEDS CORP

VALENZUELA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with