Pagpapabagsak sa MH17 kinondena ng Pinas
MANILA, Philippines - Kinondena ng Pilipinas ang pagpapasabog sa eroplano ng Malaysian Airlines MH 17 na ikinasawi ng 298 sakay nito kabilang ang tatlong Pilipino.
Sa pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA), kailangang papanagutin ang nasa likod ng pagpapabagsak sa Boeing 777 na tinira ng ground-to-air missile ng mga hinihinalang rebelde sa Ukraine.
“Those responsible should be made fully accountable for this unconscionable assault on a non-military aircraft that posed no threat whatsoever to any party,” bahagi ng pahayag ng DFA na nagpaabot din ng pakikiramay sa mga nasawi sa trahedya.
Biyaheng Pilipinas sana para sa isang family reunion sa Pagbilao, Quezon ang mag-iinang sina Irene Gunawan, 54, Darryl Dwight Gunawan, 21, at Sherryl Shania Gunawan, 15.
Nakahanda naman ang gobyerno na tumulong sakaling naisin ng mga kamag-anak ng pamilya Gunawan na magtungo sa Malaysia o sa Netherlands kung saan nangyari ang pagbagsak ng eroplano.
Kabilang sa maaaring ibigay na tulong ang pagbibigay ng passports at visas sa mga kamag-anak ng biktima.
Inaalam na kung papaano ang magiging proseso sa crash site at kung papaano makukuha ang mga labi ng mga biktima dahil mayroon ding kaguluhan na nangyayari sa Ukraine.
- Latest