^

Bansa

Leptospirosis tataas ngayong tag-ulan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inaasahang tataas ngayong tag-ulan ang kaso  ng leptospirosis.

Ayon kay Health Usec. Eric Tayag, director ng National Epidemiology Center (NEC), asahan na ang pagdami ng mga tinamaan ng leptospirosis at iba pang sakit 10 araw matapos ang matinding pagbaha.

Inatasan na rin ang mga ospital ng pamahalaan na maging handa at unahin ang mga pasyenteng infected ng mga sakit dahil sa pagbaha.

“Leptospirosis cannot just be treated at home so we advise patients to immediately seek medical treatment once they have been exposed to flood and manifested symptoms of the infection,” paliwanag ni Tayag.

Karaniwan nang nakakaramdam ng  pamamanhid, mapulang mata, naninilaw na balat at pagkakaroon ng kulay-tsaa ang ihi.

Upang makaiwas sa leptospirosis, pinayuhan ni Tayag ang publiko na manatili na lamang sa bahay o gumamit ng boots sa panahon ng baha.

AYON

ERIC TAYAG

HEALTH USEC

INAASAHANG

INATASAN

KARANIWAN

LEPTOSPIROSIS

NATIONAL EPIDEMIOLOGY CENTER

TAYAG

UPANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with