Pacquiao richest congressman
MANILA, Philippines - Nananatili pa rin si Sarangani Rep. Manny Pacquiao sa pinakamayamang kongresista sa bansa ngayon.
Sa inilabas na summary ng Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) ng Kamara para sa taong 2013 ng 289 na mga kongresista, si Pacquiao ang may pinakamaÂlaking yaman na mahigit sa P1.345 bilyon bawas na rito ang P500 milyon liabilities nito.
Sumunod dito si dating first lady at Ilocos Rep. Imelda Marcos na may networth na P922 milÂyon, pangatlo si Speaker Feliciano Belmonte na may P819 milyon, pang apat si Negros Occidental Rep. Albee Benitez, P713 milyon networth at pang-lima si Negros Occidental Rep. Jules Ledesma na may kabuuang yaman na mahigit sa P617 milyon.
Kasama rin sa top 10 na mayayamang kongresista sina Las Piñas Rep. Mark Villar, Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez, Rizal Rep. Joel Roy Duavit, Tarlac Rep. Enrique Cojuangco at Maguindanao Rep. Zajid Mangudadatu.
Hindi naman nasama sa top 10 ang mag-inang sina Pampanga Rep. Gloria Arroyo na may networth na P136 milyon na bawas na ang liabilities na 150 milyon at Camarines Sur Rep. Dato Arroyo na may mahigit 86 milyon networth.
Pinakamahirap na kongresista si Anakpawis Rep, Fernando Hicap na may idineklarang P37,722 networth lamang.
Kabilang din si Hicap sa limang kongresista na hindi umabot ng isang milÂyon ang networth kasama dito sina Kabataan partyÂlist Rep. Terry Ridon, Kalinga partylist Rep. Abigail Faye Ferriol, Abakada partyylist Rep. Jonathan dela Cruz at Dinagat Island Rep. Arlene Kaka Bag-ao.
- Latest