DepEd: Lahat ng batang nasa 'school-age' dapat mag-aral
MANILA, Philippines - Ipinaalaala ni Department of Education (DepEd) Secretary Armin Luistro sa mga guro sa mga pampublikong paaralan na wala dapat silang tatanggihang bata sa araw ng enrollment.
"We call on all teachers and school officials to see to it that we do not refuse a single student who wants to enroll. We strongly remind them that we do not collect any fees as a requirement for enrollment," ani Luistro.
Sinabi pa ni Luistro na hindi dapat humingi ng anumang halaga o kontribusyon ang mga guro mula sa mga magulang ng mga batang magpapalista para sa darating na pasukan sa susunod na buwan.
Aniya, ang mga ibibigay na pera ng mga magulang ay dapat boluntaryo.
Ang pahayag ay kaugnay na rin sa paghimok ng DepEd sa mga magulang na dalhin ang kanilang mga anak na nasa "school-age" sa mga eskuwalahan.
Binanggit naman ng DepEd ang mga maaaring singilin mula sa mga bata kabilang ang membership fees para sa Boy Scouts at Girl Scouts, Philippine National Red Cross, Anti-TB fund, school publication fee, at Parents Teachers Association fee.
Ayon sa DepEd Order 41, iniutos ni Luistro sa mga opisyal ng eskuwelahan na wala dapat sisingiling anumang halaga ng pera sa mga mag-aaral mula kinder hanggang Grade 4.
Sa naturan ding kautusan, hindi dapat singilan ang mga mag-aaral ng Grade 5 hanggang fourth year high school simula Hunyo hanggang Hulyo ng taong ito. Maaari lamang silang hingian ng mga kontribusyon sa darating na Agosto.
Kabilang sa mga kontribusyon na puwedeng hingin sa mga mag-aaral mula Grade 5 sa Agosto ay:
- Latest