Election sabotage case vs GMA, malakas – COMELEC
MANILA, Philippines - Malakas at matibay umano ang kasong election sabotage laban kay dating presidente at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo.
Ito naman ang binigyan diin ng Commission on Elections (COMELEC) kasabay ng pagpanaw ng star witness sa kaso na si dating Maguindanao Provincial Administrator Norie Unas dahil sa sakit na pneumonia, tatlong linggo na ang nakakaraan.
Ayon kay COMELEC Chairman Sixto Brilliantes, magagamit pa rin naman nila ang pinirmahang affidavit ni Unas upang idiin sa kaso ang dating presidente at kapwa mga akusado nito na sina dating Maguindanao Gov. Andal Ampatuan Sr. at dating election supervisor Lintang Bedol na may kinalaman umano sa dayaan sa Senatorial election noong 2007.
Sinabi ni Brillantes na walang dapat na ipangamba ang ilang sektor na mababaliwala rin ang kaso matapos ibasura ng Ombudsman kamakailan ang isinampang reklamo tungkol sa P728 million fertilizer fund scam.
- Latest