Angat nasa warning level na
MANILA, Philippines - Kailangan na umaÂnong magtipid sa paggamit ng tubig ang mga residente, bunga ng patuloy na pagbaba ng water level sa Angat Dam na pinagkukunan ng malinis na tubig sa Metro Manila.
Ayon kay Jason Bausa, flood monitoÂring ng PAGASA, alas-3 ng hapon ay naitala ang 180.02 metrong water level sa Angat dam kaya inilagay na nila ito sa warning level.
Bagama’t maari pang magsuplay ng tubig ang ganitong lebel sa mga residente at irigasyon, mas makakabuting tipirin na anya ang paggamit ng tubig upang hindi ito humantong sa tinatawag na critical level.
Masasabing nasa critical level ang tubig sa Angat sa sandaling pumalo ito sa 177 meters hanggang 160 meters ng tubig kung saan tuluyan nang ipatitigil ang pagsusuplay ng tubig sa mga irigasyon.
Alas-6 ng umaga kahapon, nakapagtala ng 180.12 meters ang Angat dam, subalit pagsapit ng hapon ay bumaba na ito sa 180.02 meters kaya tinututukan na nang kagawaran kada oras ang naturang reservoir.
- Latest