^

Bansa

Santacruzan hindi beauty pageant - Obispo

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dapat na ibalik ng mga lumalahok sa Santacruzan ang tunay na diwa nito at alalaha­ning hindi ito isang beauty pageant.

Ito ang panawagan ni Cubao Bishop Honesto Ongtico at Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Youth sa mga kabataan na lumalahok sa “Flores de Mayo”.

Nanawagan si Bishop Ongtioco sa mga nagsasagawa ng Santacruzan na huwag kalimutan ang tunay na diwa nito para sa pananampalatayang Katoliko at pagdedebos­yon kay Maria.

Pinaalalahanan ng Obispo ang mga miyem­bro ng third sex na igalang ang diwa ng Santacruzan kung saan si Reyna Elena ay isang ina na dapat gumanap sa katauhan nito ay isang babae.

Ayon naman kay CBCP-Episcopal Commission on Youth executive secretary Father Kunegundo Garganta, dapat malaman ng mga kabataan na ang Santacruzan ay hindi lamang para pumarada sa mga kalsada na may magarang kasuotan at pisikal na kagandahan ngunit higit na nagpapaalala ito ng ating debosyon at pagkilala kay birheng Maria, ang ina ng ating Panginoong Hesus.

Umaasa si Fr. Garganta na mas magiging malalim ang interpretasyon ng mga kabataan sa tunay na layunin ng Flores de Mayo at hinimok nito ang mga tagapamahala ng mga parokya na ga­bayan ang kanilang mga parokyano sa pagsasagawa ng naturang aktibidad.

 

BISHOP ONGTIOCO

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES EPISCOPAL COMMISSION

CUBAO BISHOP HONESTO ONGTICO

EPISCOPAL COMMISSION

FATHER KUNEGUNDO GARGANTA

PANGINOONG HESUS

REYNA ELENA

SANTACRUZAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with