Castelo mangunguna sa flood summit
MANILA, Philippines - Pangungunahan ni Quezon City Rep. Winston ‘Winnie’ Castelo ang isang malaking pagtitipon ng mga lider sa gobyerno upang tugunan ang problema ng pagbaha sa Metro Manila at ibang bahagi ng Pilipinas.
Ayon kay Castelo, chairman ng House Committee on Metro Manila Development, layunin ng kauna-unahang ‘Flood Summit’ na tukuyin ang sanhi at solusyon sa pagÂbaha na sumisira ng maraming buhay at ari-arian sa bansa.
Nakatakdang maganap ang mahalagang okasyon sa May 8, 2014 sa Belmonte Hall, South Wing, Batasang Pambansa, Quezon City.
Inaasahan ang pagdalo sa isang buong araw na taÂlakayan sina DILG Sec. Mar Roxas, MMDA chairman Francis Tolentino at DPWH Sec. Rogelio Singson para magbigay ng kanilang pahayag sa kasalukuyang lagay ng Metro Manila kaugnay sa pagbaha at sa mga hakbang na isinasagawa ng kanilang mga ahensiya ukol dito.
Mapapakinggan rin ang paliwanang ng mga eskperto sa mga usapin ng climate change at disaster preparedness tulad nina NCR Office of Civil Defense director Susanna Cruz (Disaster Preparedness for Metro Manila), Corporate Network for Disaster Response president Ramon Isberto (Partners for Resiliency Program), Albay Province governor Joey Salceda (Comprehensive and Effective Local Government Disaster Preparedness Program) at Climate Change Commission chief Mary Anne Lucille Sering (Climate Change Adaptation Initiatives).
Umaasa si Castelo na sa pamamagitan ng mga ideya, impormasyon at rekomedasyon na matatalakay sa Flood Summit, mababalangkas ang isang komprehensibo at makatotohanang hakbang upang tuluyang malutas ang problema ng pagbaha sa Pilipinas.
- Latest