^

Bansa

CGMA papayagang magpiyansa

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagbabala ang Sandiganbayan First Division na maaari nang payagan si Pampanga Rep. Gloria Arroyo na makapagpiyansa kung pa­tuloy na mabibigo ang prosekusyon na makapagharap ng testigo sa ginagawang pagdinig ng graft court hinggil sa kaso nitong plunder. 

Sinabi ito ni First Division chairman Justice Efren dela Cruz nang muling hilingin ng prosekusyon na maipagpaliban ang presen­tasyon ng mga saksi na tatayo laban sa naturang kaso ni dating Pangulong Arroyo.

Sinasabing bagamat tutol ang depensa sa hakbang ng prosekusyon pero pinagalitan at pinagsabihan sila ni Justice dela Cruz na kung walang maihaharap na testigo sa gagawing pagdinig sa darating na Miyerkules ay maaaring makapaghain na ng bail petition si Mrs. Arroyo.

Kapag pinayagang makapagpiyansa si Arroyo, maaari na itong makalabas sa pagkaka-hospital arrest sa Vete­rans Memorial Hospital kung saan ito ngayon namamalagi habang dini­dinig ng graft court ang naturang kaso.

Si Mrs. Arroyo at siyam na iba pa ay nahaharap sa kasong plunder dahil sa umano’y maanomalyang paglustay sa P360 million intelligence fund ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

vuukle comment

CRUZ

FIRST DIVISION

GLORIA ARROYO

JUSTICE EFREN

MEMORIAL HOSPITAL

MRS. ARROYO

PAMPANGA REP

PANGULONG ARROYO

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

SANDIGANBAYAN FIRST DIVISION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with