Domeng LPA na lang
MANILA, Philippines - Mula sa pagiging bagyo ay ganap na lamang na isang low pressure area ang bagyong Domeng dulot ng paghina nito.
Huling namataan ang LPA sa layong 350 kiloÂmetro silangan hilagang silangan ng Hinatuan, SuÂrigao del Sur at kumikilos pahilagang kanluran sa bilis na limang kilometro kada oras.
Gayunman, ang naÂturang LPA ay patuloy na magdudulot ng kalat kalat na pag-uulan sa Caraga, Davao at Eastern Visayas at maging sa lalawigan ng Misamis Oriental.
Ang nalalabing bahagi ng bansa kasama ang Luzon partikular ang Metro Manila ay paÂtuloy na maÂkakaranas ng maalinsaÂngang panahon.
- Latest