Depensa ng Phl, Singapore pinalakas
MANILA, Philippines - Nagkasundo sina Pangulong Aquino at Singapore President Tony Tan Keng Yam na lalong palakasin ang defense ties ng 3 bansa sa ginawang pagpupulong ng mga ito kahapon sa Malacañang.
Dumalaw sa Palasyo si Singapore President Tan kahapon ng umaga bilang courtesy call nito sa Pangulo.
Nagpasalamat din ang Pangulo kay President Tan dahil sa tulong na ibinigay ng Singapore sa rehabiliÂtasyon ng mga biktima ng bagyong Yolanda.
Kinilala rin ni PNoy ang maayos na pagtrato ng Singapore sa may 170,000 OFWs na nagtatrabaho sa kanilang bansa.
Ngayon ay nakatakda namang bumisita si Tan sa mga biktima ng bagyong Yolanda sa Tacloban City at Basey sa Western Samar upang ibigay ang donasyon ng Singapore.
Nasa bansa si Tan para sa kanyang 4-day state visit sa imbitasyon ni PNoy.
- Latest