Tulfo kinasuhan ang Inquirer
MANILA, Philippines — Kinasuhan ng broadcast journalist na si Erwin Tulfo ang Philippine Daily Inquirer kasunod ng paglalabas ng ulat na nakatanggap siya ng P245,535 na suhol mula kay Department of Agriculture Secretary Arthur Yap noong 2009.
Kabilang sa mga kinasuhan ni Tulfo ay sina editor-in-chief Leticia Jimenez Magsanoc, managing editor Jose Ma. Nolasco at reporter Nancy Carvajal matapos ilabas ang naturang storya noong Marso 19.
Iniulat ni Carvajal na nakatanggap ng suhol si Tulfo base sa sinumpaang salaysay nina dating National Agribusiness Corporation (Nabcor) officials Rhodora Mendoza at Victor Cacal.
Kaugnay na balita: 'Legal ang transaksyon’ - Tulfo
Sangkot ang Nabcor sa kontrobersyal na pork barrel scam kung saan isa ang ahensya sa mga implementing agencies.
Sinabi nina Mendoza at Cacal na nakatanggap ng pera sina Tulfo at dalawa pang ibang mamamahayag para sa "advertising expenses" na umano'y hinugot sa kita ng pork scam.
Iginiit ni Tulfo na walang mali sa kanyang ginawa.
Kaugnay na balita: Palasyo sa media: Anong alam n'yo sa pork scam?
"That is malicious, that is libelous, and that is damaging, especially sa status in Erwin Tulfo," wika ng abogado ni Tulfo na si Nelson Borja.
- Latest