10 bus ng Florida tinanggalan ng prangkisa
MANILA, Philippines – Kinansela ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ngayong Biyernes ang prangkisa ng 10 unit ng G. V Florida Transport Inc. na nasangkot sa malagim na aksidente nitong nakaraang buwan.
Sa desisyon na inilabas ng LTFRB ay tinanggalan nila ng Certificate of Public Convenience ang 10 bus ng Mt. Province Cable Tours na pagmamay-ari rin ng G.V Florida.
Sinuspinde rin naman ng Board ang 28 CPCs ng Florida kung saan 188 na bus ang maaapektuhan sa loob ng anim na buwan.
Kaugnay na balita: Misis ni Tado nagpakalbo sa harap ng Florida bus
"Kailangan muna nilang mapatunayan na lahat ng kanilang unit ay makapasa sa rigid testing na isasagawa namin sa pakikipagtulungan sa LTO, na lahat ay may valid na permiso at tamang papeles at rehistro,†wika ni Ginez.
"Lahat ng drivers nila at dapat ding pumasa sa gagawing testing ng Board at TESDA (Technical Education and Skills Development Authority )at may tamang experience sa pagmamaneho ng malalaking bus units," dagdag niya.
Nitong Enero ay nalaglag ang bus ng Florida sa isang bangin sa Bontoc, Mt. Province kung saan 15 katao ang nasawi, kabilang ang komedyante at aktibistang si Arvin “Tado†Jimenez, habang 12 ang sugatan.
- Latest