Malunggay industry isinulong ni Villar
MANILA, Philippines - Isinulong ni Sen. Cynthia Villar ang pagtatatag ng malunggay industry na makapagbibigay din ng hanapbuhay at pangkabuhayan sa mga mamamayan.
Sa Senate Bill 2099 na inihain ni Villar, chairman ng Senate Committee on Agriculture and Food, nais nitong magkaroon ng batas na tatawaging “Act Establishing the Malunggay Industry.â€
Ayon sa panukala ni Villar, ang malunggay sa ngayon ay pinagkakakitaan na ng nasa marginalized sector dahil nagagawa itong sangkap ng noodles, cookies, pretzels at pandesal.
Kilala sa siyensiya sa pangalang moringa oleifera, meron ding natural oil ang malunggay na ginagamit sa pagluluto o paggawa ng salad. Ang kalidad ng langis mula sa malunggay ay maihahambing sa olive oil.
Ayon kay Villar, kabilang din ang malunggay sa “traditional medicine†na gamot sa mga sugat, inspeksyon sa balat, ubo, lagnat at iba pang sakit sa may kaugnayan sa baga. Nakatutulong din ito upang magkaroon ng mas maraming gatas ang isang nagpapasusong ina.
Meron din itong ‘antioxidant properties†kaya ginagamit sa “beauty and cosmetic†companies sa pagggawa ng skin care products.
Napatunayan din na ang malunggay ay may anti-aging, anti-diabetic, anti-tumor at anti-microbial properties.
- Latest