^

Bansa

SC binalaan sa DAP

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagbabala ang isang constitutionalist na maaring labagin mismo ng Supreme Court ang Saligang Batas sakaling desisyunan nito ang petisyon laban sa Disbursement Acceleration Program (DAP).                       

Sa pagpapatuloy kahapon ng oral argument, inihayag ni retired Associate Justice Vicente Mendoza na isang paglabag sa tinatawag na “separation of power principle” sa ilalim ng Saligang Batas kapag nagdesisyon ang Supreme Court sa constitutionality ng DAP.

Iginiit ni Mendoza na wala naman kasing grave abuse of discretion na nagawa sa panig ng Malacanang.                       

Dagdag pa ni Justice Mendoza, pwede lang manghimasok ang Supreme Court sa political question o question of po­licy kapag may grave abuse of discretion sa panig ng ehekutibo.

Binigyan diin ni Mendoza na wala namang actual controversy o kaso at hindi naman aggrieve party o walang natamong pinsala ang mga petisyuner.             

Paliwanag ni Justice Mendoza, ang dapat na ginawa ng mga petisyuner ay nagreklamo sa Commission on Audit (COA) o nagsampa ng kaso kung ang isyu ay maling paggamit ng public fund.               

Ipinaalala rin ni Justice Mendoza na limitado ang power of judicial review ng Korte Suprema kapag may actual case o controversy na sa DAP ay wala naman.              

Ang retiradong mahis­trado ang kumatawan sa Kamara sa naturang usapin. Ipinababasura niya rin ang mga petisyon laban sa DAP.

Sa pagtatapos ng oral argument, binigyan ni CJ Maria Lourdes Sereno ang magkabilang panig na maghain ng memoranda.

ASSOCIATE JUSTICE VICENTE MENDOZA

DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM

JUSTICE MENDOZA

KORTE SUPREMA

MARIA LOURDES SERENO

MENDOZA

SALIGANG BATAS

SUPREME COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with