^

Bansa

Medical marijuana ayaw ng DOH

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tumanggi ang Department of Health (DOH) na irekomenda sa Kongreso na gawin ng legal ang paggamit sa marijuana bilang gamot.

Sinabi ni Health Undersecretary Nemesio Gako sa pagdinig ng House Committee on Dangerous Drugs, kailangan munang magkaroon ng mas maraming pag-aaral sa paggamit ng medical marijuana para makita kung mas marami itong benepisyo kumpara sa panganib nito.

Sa ngayon ay wala pa umanong patunay na may therapeutic effect o naka­kagamot ang marijuana at wala pang doktor sa bansa na gustong gumamit nito.

Mayroon pag-aaral na nagsasabing nakabubuti ang medical marijuana sa mga pasyenteng terminally ill tulad ng cancer at AIDS, anti-convulsant din umano ito at mayroong euphoric effect.

Subalit lumalabas din umano sa pag-aaral na hindi lahat ng uri o variety ng marijuana ay pare-pareho ang epekto sa tao.

Dahil dito kaya nanga­ngamba umano ang DOH na ang paggamit ng medical marijuana ay mauwi sa adiksyon at pagmulan pa ng paghahanap ng ibang uri ng droga.

Ayon naman kay Me­lody Zamudio ng Food and Drugs Administration (FDA) na nagbibigay sila ng compasionate special permit sa paggamit ng mga regulated drugs sa mga pasyente na malala ang sakit subalit hindi kasama dito ang marijuana dahil ipinagbabawal pa ito sa ilalim ng batas.

AYON

DAHIL

DEPARTMENT OF HEALTH

DRUGS ADMINISTRATION

HEALTH UNDERSECRETARY NEMESIO GAKO

HOUSE COMMITTEE

KONGRESO

MARIJUANA

MAYROON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with